Kaya Naisulat ‘to

Share

Her birthday was coming and The Rockstar considered this as his chance. Along with some friends (who also secretly admired her), they compiled songs dedicated for her. They weren’t able to give them all the songs though, but she recognized their collaborative effort and thanked them altogether.


 

Malala ang tama
Pagbigyan ang nadaramang
’Di maiwasan sa bawat
Oras na ika’y nakikita
Malakas mang-trip
Kinakarir ang pagsulat
Ng mga kantang ihahandog
Namin para sa iyo

Ganyan lang talaga
Kapag minsang nababato
Sa kinauupuan sa aking bawat sandali’t
Napapatulala sa isang tabi

Gumagaan ang pakiramdam
Lalo na’t pag ikaw ang nasa isip
Sa bawat minutong nauubos at di man lang
Namamalayan na lumilipas ang araw

Malala ang tama
Pagbigyan ang nadaramang
’Di maiwasan sa bawat
Oras na ika’y nakikita
Malakas mang-trip
Buong araw ba nama’y
Ikaw ang iniisip
Ikaw ang bukam-bibig

Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito
Tuwing ang tinig mo’y nadirinig
Sa bawat minutong nauubos at ‘di man lang
Namamalayan na lumilipas ang araw

Pag sa gabi’y di nakakatulog
Sa saliw ng tugtuging
Palaging ikaw ang naaalala
Buong magdamag ay nakatitig
Sa kalawakang punung-puno
ng mga bituing nagniningning
Hindi ko mahintay ang bukas
At ayoko ring matapos ang ngayon

Share

Leave a Comment