Kunwari Lang

Share

Nakaupo sa harap ng PC
Nakabukas ang program na VB
Nakatitig sa desktop na kulay inverted
Blanko ang utak ko, damn I’m wasted!

Lahat ng ka-opisina’y bising-busy
Samantalang ako’y pakunwa-kunwari
Di ko alam kung bakit ganito,
Di ako enjoy sa buhay ko.

Summer Scream Showdown na bukas
At Friday na ngayon at long last!
Mauubos na ang battery ng iPod ko,
Ang tagal naman lumipas ng bawat minuto.

Dito nga kaya ako liligaya?
Dito nga kaya ako sasaya?
Ayoko na! Litong-lito na ako!
Di ko na talaga alam kung saan tutungo.

Ang hirap pala talagang magkunwari
Mas malala pa sa nagmumuni-muni
Hala! Kung anu-anu na isinusulat ko!
Para lang magtugma ang tunog nito!

Magiging wagi kaya ako kapag nag Fine Arts?
Ito talaga gusto ko, tunay na from the heart.

Subalit doon kaya liligaya?
Doon kaya ako sasaya?
Ayoko na! Litong-lito na ako!
Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko!

Sana’y maliwanagan na ako
Ayoko ng mag-isip ng ganito
Sobrang pagod na ako…
I need to get some sleep.

Share

Leave a Comment