Ate

Share

Ate, may gusto ako sa kapatid mo
Ipinapangako ko, siya’y aalagaan
Panghabambuhay, di ko siya sasaktan

Ate, maaari ba kitang tawaging ate?
Magiging tapat ako sa kanya
Peksman, mamatay man, seryoso ako

Kung gusto mo, papatunayan ko
Para sa’yo….

Kahit ano’ng mangyari, di ako susuko
Paninindigan ko’ng mga salita ko
Dahil, ate, mahal ko ang kapatid mo.

Share

Leave a Comment