Heto

Share

Heto ako sa iyong tabi
Handa ako anumang oras
Kung ika’y tumumba

Heto ako sa iyong tabi
Handang saluhin ka anumang oras
‘Pag ika’y mahulog

Kahit na hindi ako pansinin
Kahit na hindi ako mahalin
Palagi lang akong nandirito para sa’yo

Sasamahan ka at ‘di kita pababayaan

Heto ako sa iyong tabi
Handa ako anumang oras
Kung ika’y tumumba

Heto ako sa iyong tabi
Naghihintay anumang oras
Sakin, ika’y mahulog

Sasaluhin ka at ‘di ka na pakakawalan pa

Share

Leave a Comment