Basta

Share

Inspired by the song “Kahit Pa” by Hale.


Magkahawak-kamay nating
Tahakin ang mundo’t
Anumang hadlang na sasalubong
Hindi tayo paaawat

Magsawa sa pagbilang sa umagang
Sisikat ang araw
Dahil anumang mangyari’y handang
Harapin ang mga pagsubok

Basta’t kasama kita
Basta’t nasa tabi ka
Ang ‘di maaari’y maaari na

Tibay ng damdamin at lakas ng loob
Saan pa pupulutin
Kapag ikaw ay malayo sa piling
Hindi ata kakayanin pero

Basta’t kasama kita
Basta’t nasa tabi ka
Ang ‘di maaari’y maaari na
Basta’t andiyan ka,
Ang ‘di maaari’y maaari na

Share

Leave a Comment