Ikaw

Share

The idea for this song was inspired by my friend, Paolo Ramirez’s love story.


Nilingon kita, nilingon mo rin ako
Noong una tayong magkasalubong
Tinititigan kita, nginitian mo naman ako
Tuwing ika’y aking nakikita

Di nagtagal, di naging malabo aking nadarama
Tunay na nga, iniirog na kita

Hinahanap ka, iniintay kung saan
Tayo unang nagtagpo
Kahit man lang iyong pangalan
Sana’y aking malaman

Sobrang tagal, sobrang naglabo mga pangyayari
Nalulumbay na ako, bigla ka nalang nawala

May mahal ka na bang iba?
Wala na ba akong pag-asang makita ka’t makasama?
Tuluyan ka na nga bang
Maglalahong parang bula’t hahayaang makalimutan?

Nilingon kita, nilingon mo rin ako
Noong una tayong magkasalubong
Tinititigan kita, nginitian mo naman ako
Mga alaalang aking di makalimutan.

Share

Leave a Comment