Walang Imik

Share

Bakit, anong problema?
Kanina’y maligaya ka pa,
Anong nangyari’t biglang
Tumahimik ka na dyan?

Sakit, meron ka ba?
Datirati’y di ka tinatablan,
Paanong nangyari’t parang
Tumamlay ka ata dyan?

Hindi ka naman sumasagot
Hindi ka naman umiimik
Ano bang gusto mong gawin ko?
Paano kang matutulungan niyan?

Lapit, sa akin, ika’y lumapit
At kalimutan ang kung anumang
Bumabagabag sa iyong isipan
Huwag nang isipin…

Share

Leave a Comment