Ibong Adarna

Share

The Ibong Adarna is a mythical bird of paradise whose shit turns anything to stone. This is the concept of this piece. The subject of the song is beautiful and it could turn anyone into stone.


Nakita kang naglalakad
Sa kabila nakatingin ang lahat
Sa’yo, ako’y nahuhulog

Ang lahat ay nagdilim,
At ikaw na lamang ang nakikita,
Mala-anghel mong liwanag

Nang napatanga ako sa’yo
Oras ay bu–ma–gal

Umiihip ang hangin
Sa iyong makinis na mukha
Pabango mo’y naamoy ko

Nang lapitan ang adarna
Oras ko’y tu–mi–gil

Hindi ako makagalaw
Natameme, naging bato
Awitan mo ako, Ibong Adarna
Para sumpa mo’y maalis
Ngiting nakakahawa,
Tumunaw ng yelong nakabalot

Sa akin, ganda mo’y tunay
Ngang nakakadala, ika’y
Lumipad na patungo sa langit

Hindi na kita matanaw
Hindi na ma–a–bot

Share

Leave a Comment