Pagkakamali

Share

Hindi ko maintindihan
Kahit ano’ng gawin
Kahit ano’ng ibigay sayo’y
Binabaliwala mo

Totoo aking nadarama
‘Di mo ba nakikita?
‘Di mo kasi binibigyan
ng halaga.

Ano ba’ng naging pagkakamali ko?
Kahit kailan naman, hindi kita niloko.

Sana’y maliwanagan na
Bago ang lahat ay mahuli pa,
Ang isipan mong baluktot.
At isipin ay ako

Siguro nga’y nagkamali ako
Sa pagpili ko sa’yo
‘Di ka nakakaintindi
Sa mga nagawa ko ng sakripisyo

O hindi kaya, nagkakamali ka lang
Sa’yong naging paniniwala
‘Di ka nakakaintindi
Na ako ay tunay at totoo.

Share

Leave a Comment