Masaya

Share

Masaya,
Palagi tayong masaya
Magkasama,
Kapag tayo’y nagsasama

Tadhana,
Tadhana nga’ng nakilala ka
Kaluluwa,
Kakambal ng aking kaluluwa

Lumilipad ang isipan
Lumulutang sa kalawakan
Tuwing ika’y nasisilayan ko

Paru-paro sa aking tiyan
Nahuhulog sa kalangitan
Patungo sa kanlungan mo

Masaya,
Palagi tayong masaya
Bakit pa,
Tayo mag-iiwanang dalawa?

Lumilipad aking isipan
Palaging kinababaliwan
Tuwing ika’y nakikita ko

Paru-paro sa aking tiyan
Punong-puno ng kaligayahan
O kay saya,
‘Di na natatapos ang pag-ikot ng aking mundo

Share

Leave a Comment