Tanga

Share

Para sa’yo
Ako’y naririto
Hilingin mo
Gagawin ko

Hirap mo
Titiisin ko
Kailangan mo
Hahanapin ko

Anumang naisin mo
Aabutin ko para sa’yo
Anumang hirap noon
Kakayanin ko para sa’yo

Mapahiya
Magkandarapa
Kahit pa
Magmistula akong tanga

Anumang naisin mo
Aabutin ko para sa’yo
‘Di baleng mahirapan ako
Pag-ibig ay papatunayan sa’yo

Para sa’yo
Ako’y naririto
Kailangan mo
Hahanapin ko

Mapahiya
Magkandarapa
Kahit na
Nagmimistula na akong tanga
Basta’t sayo’ng ikaliligaya

Share

Leave a Comment