Iisa

Share

Paano nalang
Ang ibang mamamayan
Ng ating bayan,
Kung matapos na ang digmaan?

Paano nalang
Ang mga namatayan,
Ang mga nawalan,
Pagkatapos ng sagupaan?

Walang panalo, kahit ano’ng mangyari
Lahat ay talo, lahat ay magsisisi

Paano nalang
Ang mga kabataan,
Hindi na nila,
Mararanasan ang saya?

Walang panalo, kahit ano’ng mangyari
Lahat ay talo, Lahat ay magsisisi
Kapag pinagpatuloy pa
Ang pag-aalitan
Sa iisang mundong
Ating pinaghahatian

(Interlude)

Tama na! Itigil na!
Magkaiba man
Ating paniniwala
Iisa tayo, iisa tayo..

Share

Leave a Comment