Dude, Pare, Tsong

Share

Huwag ka ng mag-alala
Isang tawag lang sa pangalan ko,
Dadating na ako.

Mga problema mo’ng
‘Di mo kayang pasanin,
Bubuhatin ko para sa iyo.

Hindi man tayo nagkikita pa,
Malayo man ang pagitan nating dalawa,
Nandito lang ako,
Maaasahan mo.

Dude, Pare, Tsong!
Makakasiguro ka
‘Di kita lilimutin o iiwanan
O kaya’y pabababayaan

Hindi man tayo laging magkasama
At madalang pang magkausap ang isa’t isa
Nandito lang ako,
Pakikinggan kita.

Share

Leave a Comment