Paalam

Share

For Honey Verango, a good friend who’s leaving the office.


 

Ngayong mawawalay ka na
Sa amin at kami’y mag-iisa
Sana’y hindi mo malimutan
Ang mga pinagsamahan

Mga kahapong dumaan,
At mga bukas na haharapin,
Siya sa taas, huwag lilimutin
Sa mga pagsubok na haharapin.
Mga kaibigang iiwanan,
Ligaya’t mga tawanan,
Mga alaala’y wag itatapon,
Iyong itago at pagyamanin.

Ngayong aalis ka na
At kami’y mag-iisa
Sana’y hindi mo malimutan
Ang mga pinagsamahan

Share

Leave a Comment