Curiosity Killed the Cat

Share

Sandali pa lang
Tayong nagkakilala
Minsan lang din
Nagkausap na dalawa
Bulong ng isipan
“Hindi kaya siya na?”
Hindi na inisip,
Bigla nalang nagsamantala.

Inilabas nalang bigla
Mga saloobin ko’ng
Hindi maipaliwanag
Asar, ano ba ito?

At ngayon,
‘Di mo na ako kinikilala
Tulad ng dati.
Makuwela’t masaya
Noong magkaibigan pa
(Paano na?)
Ang bukas
Para sa ating dalawa
Sana’y bumalik na lang
Sa nakaraan na pinagsamahan
(Pwede pa ba?)

Share

Leave a Comment