Siguro Nga’y Malamang

Share

Sobrang depressed
Sa ‘di ko alam na dahilan.
Siguro nga’y malamang
Ewan ko ba kung bakit.

Katangahan kasi
Bakit ko pa kasi sinabi.
Siguro nga’y malamang
Ewan ko ba, basta.

Napaparanoid na ako
Sa mga gagambang gumagambala
Napapraning na-ha-ha-haaa

Emo’ng tugtugin
Nakasaksak sa tenga
Gusto ng umiyak
Ewan ko ba kung bakit

‘Di na makatulog,
Kasalanan ko din naman
Kasi asa ng asa
Ewan ko ba, basta

Napaparanoid na ako
Sa mga gagambang gumagambala
Napapanaginipan pa
Hindi makahinga, hindi makawala
Napapraning na-ha-ha-haaa

Anlakas ng heartbeat
(Napapraning na-ha-ha-haaa)

Somewhere, somehow
(Napapraning na-ha-ha-haaa)

la la la la la~
(Napapraning na-ha-ha-haaa)

Share

Leave a Comment