Sa Likod ng Bawat Bayani

Share

Sa likod ng maskara’y
Mga matang lumuluha
Kapag nakikita ko’ng
Nagdurusa ka sa kamay nila

Tinatakpan ng kapa ko’y
Ang aking puso’ng nasasaktan
Tuwing nakikita ko’ng
Pinaglalaruan ka na naman niya

Sa likod ng bawat bayani’y
May isang siyang nagbibigay lakas
Lahat ay nagagawan ng paraan,
Basta’t ika’w ang nasa aking isipan.

Para lamang sa’yo
Ililigtas kita sa mga nanakit sayo
Ako’y kakampi mo,
Ipagtatanggol kita, dito ka lang sa tabi ko

Ikaw na nagbibigay lakas,
Hindi kita pababayaan
Mawala na ang lahat sa akin
Basta palagi lang kitang makapiling

Kaya,
Para lamang sa’yo
Ililigtas kita sa mga nanakit sayo
Ako’y maaasahan mo,
Kahit saan ka man, kahit ika’y malayo

Dahil, kahit kailan
Hindi ko kayang pabayaan
Ang siyang nagbibigay ligaya

…Ikaw

Share

Leave a Comment