Alaala

Share

Inspired by Marty Casey’s Trees


Naaalala mo pa ba, noong tayong dalawa
Ay magkahawak-kamay pa’ng naglalaro
Sa ilalim ng ulan? Walang pag-aalinlangan,
Ang mukha mo’y puno ng saya’t ligaya.

Naaalala mo pa ba, noong tayong dalawa
Ay magkahawak-kamay pa’t magkaakbay
Sa ilalim ng Narra? Walang ibang iniisip,
Kundi ang bawat sandaling kaakap ka.

Naaalala mo pa ba, matagal na panahon na
Mmga pinagsamahan natin, halos dalawampung taon
Ang nakalipas na. Matagal ko’ng itinatago,
Pareho pa rin ang aking nadarama.

Naaalala mo pa ba, ang ibinigay ko para sayo
Sa kaarawan mo? Isang pulseras na nagniningning
Na parang bituing nasa langit. Patuloy na nang-aakit,
Iyong magandang mga mata, maaari ba kitang halikan?

Maaalala mo pa kaya ako, kapag nagising na tayo
Sa panaginip na ito, parang totoo, puno ng buhay at ng kulay
Pwede ba’ng hindi na kita pakawalan at sumama ka na lamang
Sa akin, sa pag-gising ko. Akin na’ng kamay mo, hindi na kita bibitiwan.

Share

Leave a Comment