Bulag, Pipi, Bingi

Share

Hindi na mahalaga
Kung ano’ng nakikita
Imumulat nalang isipan
At isasara ang mga mata
Balewala kahit ano’ng itsura
Mas mahalaga, kung sino kang talaga
Kahit ano man ang sabihin ng iba
Sa akin ikaw ay maganda

Natatameme, hindi makapagsalita
Mga paru-paro’y hinihila aking dila
Aking totoong nadarama
Hindi ko man lang masabi
At sa sulat nalang idinaraan
Na masaya ako ‘pag kapiling ka

Lahat ng sabihin mo,
Sa akin sila’y totoo
Walang mali, peke o biro.
Kahit ano, ika’y pinakikinggan.

Share

Leave a Comment