Mr. Quickie

Share

Tumatakbo,
Pero kahit gaano man kabilis
Hindi ka maabutan

Nagkakandarapa’t
Naiiwanan at hindi ka maabot.
Ako’y napag-iiwanan

Ang layo,
Ang tagal bago maunahan
Maghintay ka naman!

Oras na ka’y bilis
Hindi kita kayang sabayan
Bawat patak ng minuto
Hindi na namamalayan
Oras na ka’y bilis
Ako’y napag-iiwanan
Tila tumitigil ang araw
Kapag andito ka.

Share

Leave a Comment