Para Sa’yo, Wala

Share

Dedicated to our (my cousin Mike and my) childhood imaginary friend, Wala.


Nasaan ka na?
Wala….
Kay tagal na nating ‘di nagkikita….

‘Di mahanap-hanap,
Nawawala
Wala, wala na akong makausap

Bata pa tayo noon,
Palagi kitang kasama.
Buong araw magkalaro,
Buong araw masaya.
Wala, ngayon, wala ka na…

Ang lungkot kapag
Wala ka….
‘Di na tulad ng dati, lubos na maligaya

Ngayong tumanda na,
Natatandaan mo pa ba ko?
Buong araw nagkasama,
Buong araw nagsasaya.
Pero ngayon, wala ka na…
Wala.

Share

Leave a Comment