Nandito

Share

Halika, abutin ang aking kamay
At iyakap ng mahigpit, magkalapit
Habang hinahaplos ang ‘yong pisngi

Sandal ka sa’kin kung pagod ka na
Iidlip mo muna, babantayan kita,
Huwag mag-alala, ‘di ka nag-iisa.

Dahil nandito
Lang ako sa tabi mo
Hinding-hindi ka
Iiwan kailanman

Pag lumuha ang langit
Tumahan ka na’t
Nalulungkot rin ako.

Sa panaginip magkita na lang
Tayong muli, hindi matiis
Na mawala ka kahit saglit

Sana’y nandito
Ka lang sa tabi ko
Huwag na huwag
Mo ‘kong iiwanan
Kailanman

Share

Leave a Comment