Sayo’ng-Sa’yo Na Talaga Ako

Share

Tinanong ko siya kanina,
“Mmm– E’di mahal mo nga ako?”
Gusto ko lang talagang marinig
Mula sa kanyang bibig.
Ako’y nakatingin, nakatitig,
‘Di ko siya pinapakawalan sa paningin.
‘Di siya kumikibo–

Parang guni-guning narinig,
“Oo, mahal kita,” sabay halik
Sa loob-loob ko ako’y natutunaw
Ng matamis na “Oo”
Na aking natanggap
Napangiti, ang sarap!
Para akong lumilipad!
Hindi ako makakibo–

“Mahal na mahal na mahal na mahal kita,”
Ang sabi niya sa’kin at sabi ko sa kanya,
“Sayo’ng-sayo na ako, tandaan mo.
Hindi kita iiwan– hanggang kailanman.
Mahal na mahal na mahal na mahal rin kita.”
Sabay halik sa kanyang pisngi.

Share

Leave a Comment