…lumusong kami sa Baha sa Dapitan

Share

NAALALA KO LANG noong college may isang beses na umulan ng malakas at bumaha sa paligid ng UST. (Kung tutuusin, kahit mahinang ulan lang din naman ay bumabaha doon.) Anyway, sa kadahilanang umulan nga at nagbaha ay nahirapan kaming sumakay pauwi, kaya pinagdesisyonan nalang namin na maglakad (ibig sabihin, lulusong kami sa baha) papunta sa bahay nila Lorbie.

Tinahak namin (ako, si Larry ata, si Benedict, si Jeane ata, si Alfonso ata, si Rey, si Joy, si Aizber, si Lorbie malamang, at hindi ko na alam kung sino pa) ang Dapitan, abot sa hita ko ang lalim ng tubig-baha, papunta sa bahay nila Lorbie sa Blumentrit!

Kapag may dumadaan na sasakyan, nagkakaroon ng waves, para kang nasa wave pool. Tapos naalala ko rin, may dumaan na kalesa sa tabi namin, uso yun sa Manila e, yung lalagyan ng poo-poo ng kabayo, sumasayad na sa tubig. Kapag hindi mo pa na-experience ito, hindi ka pa tao.

Kinabukasan, tinanong ako ni Karen, isa pa naming kaklase, bakit hindi nalang daw kami sa kanila nagpunta, kung saan mas malapit kaysa kina Lorbie. Ewan ko nga ba kung bakit.

Share

Leave a Comment