…nadapa ako sa harap ng Teachers’ Office

Share

NAALALA KO LANG dati basta nagmamadali ako, sa hindi ko maalalang dahilan, siguro’y late na ako noon. Tumakbo ako, papunta yata sa classroom. Saktong pagdaan ko sa Teachers’ Office, sakto sa kung nasaan ang glass door ng mismong office na iyon ay nadapa ako. Agad-agad akong tumayo at nagkunyaring walang nangyari.

Nabutas ang pantalon ko at nasugatan ako sa tuhod. At highschool nangyari ito.

Share

Leave a Comment