…nagmano ako kay Ate Donna

Share

NAALALA KO LANG, noong nagpunta kami sa bahay nina Kuya Francis dito sa Canada, sinalubong ako ni Tito Rolly at Tita Rose. Inabot ko ang kamay nila at ako’y nagmano.

Sinalubong rin ako ni Ate Donna; subalit, hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Siguro’y sa tagal kong di siya nakita ay di ko na rin maalala ang mukha niya. Iniabot niya sa akin ang kamay niya at nagmano ako, pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung Tita ko nga ba talaga siya. Siguro’y napagkamalan rin niya kong bata o kaya nama’y binibiro ako.

Sa mga sunod na pagtatagpo namin ay hindi na niya inabot ang kamay niya, hindi na rin ako nagmano. Natauhan na kaming dalawa. Nakakatawa.

Share

Leave a Comment