… si Ondoy at ang kanyang naiwang mga alaala.

Share

NAALALA KO LANG…

“I have only slept for 4 hours from assisting in relief operations in Cainta, but I have to get up already. Pupunta pa ko sa Medical City para magpa-anti-tetanus.

Madami akong ikukwento. It was a hard yet fun, unexpected, fulfilling and exhilarating, CRAZY day yesterday/tonight/today! I went to ABS-CBN by myself and came home amany with new friends I’ve made.”

-Quoted from my Facebook account

Alam naman nating lahat na malaki ang pinsalang ibinigay ni Typhoon Ondoy sa NCR lalo sa Marikina, Cainta at Pasig noong ika-26 ng Setyembre 2009. Although nastranded ang kapatid ko at ang mga kaopisina niya pati na rin si Kuya Jun sa Roxas Blvd nang gabing iyon, nakauwi naman sila ng ligtas kinaumagahan. Nakakalungkot at nakakatakot ang mga pangyayari, madaming nawalan ng bahay at gamit, ang iba naman ay nawalan pa ng mga kapamilya sa hindi inaasahang sitwasyon. Taga-Cainta ako dati; at may mga kamag-anak kami at karamihan ng mga naging kaibigan ko ay taga doon din. Nakakausap ko ang ilang mga kaibigang nastranded sa kanilang mga opisina dahil hindi pinapauwi o hindi makauwi dahil sa taas ng tubig baha. Wala nang komunikasyon sa kani-kanilang mga pamilya dahil nawalan ng kuryente, telepono at signal sa mga lugar na nasalanta, kaya hindi na rin kami mapalagay kung ano na ang nangyari sa kanilang mga nandoon. It was heart-breaking and all I could do was watch the news or wait for aide helplessly. Unti-unti nang dumidilim ang langit, gumagabi; at ang mga tao’y nandoon naghihintay ng tulong, pero wala pa ring dumadating.

Sparks of hope flew the next day when I learned that my cousin volunteered for help. Sa nais kong makapunta sa Cainta (nasa isip ang mga kamag-anak at kaibigan) at matulungan ang mga kababayang nasalanta doon, nabuhayan ako ng loob ng malaman kong tumatanggap sila ng volunteers sa Sagip Kapamilya. Agad kong kinontak ang pinsan at ipinaabot sa kanya ang aking balak na sumama sa kanya. Pagdating niya doon, sinabi niya sakin na madami ng tao at hindi na sila tumatanggap ng volunteer, kaya hindi na rin ako tumuloy noong araw na yun. Pero sa loob-loob ko, hindi pa rin ako mapakali, hindi mapalagay. Mabigat ang damdamin, para bang may tumatawag sa akin.

Kinagabihan, sa pag-ikot-ikot sa kama sa kadahilanang hindi makatulog kakaisip, sinubukan kong magpaalam sa employer namin kung pwedeng hindi ako pumasok at magvolunteer na lamang. Pinayagan akong maghalfday subalit medyo sumama ang loob ko. Naintindihan ko ang obligasyon ko sa opisina pero hindi ako mapakali na sa bawat oras na lumilipas ay paunti nang paunti ang pag-asa ng mga nasalanta.

Kinabukasan, pagkagaling ko sa opisina nagmadali akong umuwi sa bahay, dala-dala ang bigat ng pakiramdam sa halu-halong mga kadahilanan. Kumain muna ko bago sumabak sa laban. Nagtext sakin ang pinsan ko at sinabing nangangailangan ng tao sa ABS-CBN. Pumunta ako doon.

Game Na Ako!

I arrived at the studio, clueless as to where I should be. I asked the guards where the relief operations where and he pointed at the group of people walking. “Sundan mo lang yung grupo ng mga taong ‘yun, volunteers sila.”

Sinundan ko sila at pagdating sa kanilang destinasyon, may nadatnang pila. Kakaunti lang sila at mga walang ginagawa, nakakapagtaka. Nagtanong ako sa isang ale, “dito po ba ang volunteering?”

“Game Ka Na Ba ito, doon yun sa kabilang kanto, katapat lang nito,” ang sabi sakin. Mabuti nalang nagtanong ako, kung sakali pala ay hindi ako sa News makikita kundi sa Game Ka Na Ba. Comedy.

Eto na, totoo na.

Nakarating na ko sa kung saan nagaganap ang relief operations, nagparegister at nagsimulang tumulong sa pagbubuhat ng mga relief goods na dumadating. Mahirap pala kapag mag-isa ka lang pumunta doon dahil wala kang makakausap; grupo-grupo ang mga taong nandoon, may mga estudyante, may mga boy/girl scounts, may mga bikers, may mga seminarista, may mga galing pang Canada, may mga foreigners din, iba-iba. Nagbubuhat kami, naglililipat ng mga goods from donors to warehouse at warehouse to trucks, naghuhuman-chain kami para mapabilis ang paglilipat. Sa kabila ng hirap sa bigat ng mga relief goods, nagagawa pa naming magkulitan at magtawanan.

Sa una, mahirap kapag wala kang kakilala. Tulad ko, solo akong nagpunta. Nagtatatanong ako sa mga nakakatabi ko kung taga-saan sila, kung estudyante pa ba o kung may trabaho na. Iba-iba ang dahilan kung bakit sila nandoon. Mayroong galing pa sa Quiapo: si Richie Pagdalian, crew sa isang cruise ship na dahil daw nababato siya sa boarding house ay pumunta sa QC para tumulong; mayroong mga galing pa sa Cavite: mga seminaristang nagdonate at tumulong; mayroong mga galing sa Makati: may mga estudyante ng University of Makati, mayroon ding mga nagtatrabaho; mayroong galing sa Manila: mga estudiyante ng Trinity College at University of the East; mayroon ding galing sa Novaliches: si JR David; galing sa Mandaluyong: si Jamie Ortega; at mayroon din galing sa Sikatuna, mga kabarangay na doon ko lang nakilala: si Kia Alvarez, si Chiny Ramos, at si Ate (na hindi na namin nakuha ang pangalan). Iba-ibang dahilan, iisang purpose.

Human Chain (Bayanihan), nakakatuwang experience. May mga nagsisisigaw ng: “Think positive, wag kang aayaw!”

Lagpas 2,000 Relief Goods patungong Cainta

Bandang 4-5PM, nagtawag na ng Volunteers na idedeploy papuntang Cainta, inaya ko si Richie sumama sa kanila. Naglilista na sila ng mga sasama pa-Cainta, lagpas-lagpas na ang bilang ng sasama, kaya hindi na kami nagpalista.

Nang matapos punuin ang truck, bandang 8-9PM na yata, nagtawag na uli sila, nirally na nila ang mga tutungong Cainta. Nakijoin kami ni Richie sa group meeting nila, nakinig sa mga instructions, nagkukunyaring kasama sa Cainta. Nang papaalis na sila, tinanong namin ni Richie kung pwede pa kaming sumama kahit hindi kami nakalista sa sasama, sabi ng Team Leader ng Cainta Group, ok lang daw as long as hindi kami hihiwalay sa kanila.

Hinintay namin makasakay ang Cainta Volunteers sa delivery truck na naatasang magdala sa kanila sa Cainta. Halos nagsiksikan na sila kaya napagdesisyonan namin ni Richie na hindi nalang sumama, tutal hindi naman talaga kami nakalista. Hinintay nalang namin makaalis ang convoy ng trucks at nagpasya na bumalik sa warehouse nang malayo-layo na ang mga trucks. Pagkabalik namin sa warehouse, nagpaalam na rin ako kay Richie na ako’y uuwi na.

Pero gusto ko talagang matuloy sa Cainta…

Habang naglalakad papalayo sa Sagip Kapamilya warehouse, dala-dala ang kakaibang ligayang naidulot ng pagtulong sa pagvovolunteer, nadaanan ko ang pamilyar na Agility delivery truck: ang truck na patungong Cainta.

“Sino dito ang marunong magpunta ng Cainta?” tanong ni Brother/Father sa mga nasa loob ng truck. Walang sumasagot. Pabiro, nagtaas ako ng kamay at sinabing, “Ako.” Agad-agad akong pinasama sa kanila. “Sige,” sabi ko pero hinanap ko muna si Richie. Tumakbo ako patungong warehouse at hinanap si Richie. Nang di ko na siya makita ay bumalik na ko sa truck at sumakay sa passenger seat katabi ni Brother/Father. Tinext ko nalang siya at ibinalita ang good news.

“Para sa’yo talaga yan.”

“Ang swerte mo, para sayo talaga yan. Pano nangyari e umalis na yun e. Umuwi na ako takot din magpagabi dito. Bukas balik ako ulit. Sige, ingat nalang.”

– text ni Richie sakin

Kung tutuusin, gusto ko talagang pumunta sa Cainta. Nung nakaraang araw ko pa kinukulit si Nanay kung makakauwi kami sa Cainta at ang palaging sagot ay hindi dahil baha pa. At eto na nga, dumating na ang chance ko. I think it really was my calling to be there. I think that God wanted me to be there. I knew I was safe; I knew God will not let anything bad happen to us, after all, we were travelling with seminarians as well.

Somehow, I saw people’s faces lighten up as our convoy passed by, knowing and seeing in them that somehow, hope has arrived. Hindi traffic papuntang Cainta na tulad ng usual sa mga normal na araw. Nang kinalaunan, naging lubak-lubak na ang daan, tanda ng baha na dinulot ni Ondoy. Nang malayu-layo na kami sa Sta. Lucia, nagsimula ng magmistulang Ghost Town ang Cainta. Pagkalagpas naman namin sa junction, nangamoy na ang basura: basurang nagkalat kung saan-saan.

Sa wakas, nakarating din kami sa Munisipyo ng Cainta. Paglipas ng ilang sandali pagkatapos namin magsibabaan sa truck at pagkadating ng mga relief goods na dala ng truck convoy, nagsimula na kami muli bumuo ng human chain at, sa kagustuhang makatulong, nagpasa-pasa na ng mga relief goods mula sa truck. Sa tulong ng mga sundalo sa munisipyo, naibaba namin: mga seminarista, mga estudiyante ng University of Makati, at mga random volunteers, ang humigit-kumulang 2000+ na relief goods at naistock sa loob ng munisipyo. Dito sa Munisipyo ng Cainta ako nagkaroon ng battle scar sa paa, isa sa mga tanda na tumulong ako sa relief operations, na kinailangan ko pang magpaturok ng anti-tetanus kinabukasan. Pagkatapos ibaba ang mga sako-sakong relief goods, isinunod naman ang mga mineral water. Ngunit sa mga oras na ito, nabawasan na ang bilang namin dahil umuwi na ang mga taga-Makati.

Baba, akyat.
Pagkababa namin ng lahat ng sako ng goods at lahat ng tubig sa truck maliban sa isang Coca-Cola truck, nirequest ni Mayor na puntahan namin ang isang malayong barangay. Hirap daw kasi ang mga taong nakatira dito na magpunta sa bayan dahil masyado madilim sa kadahilanang walang kuryente at may baha pa ang iilang dadaanan.
Dahil dito, iniakyat uli ang iilang mga binabang mga sako. Sa pagkakataong ito, sa Coca-Cola truck naman kami pumuwesto. Para kaming magca-class picture, sayang walang kumuha sa amin ng litrato. Pero may footage nun sa balita nakita niyo ba kami? I’m proud I was part of it.
Alam ko na ang feeling ng isang mineral water.
Sakay ng Coca-Cola, dinala kami sa Kabisig, isang malayong barangay sa Cainta. Parang papuntang bandang Taytay, o siguro boundary na iyon. Grabe ang kalagayan nila doon, malayo na nga sila sa sibilasyon, wala pang ilaw, wala pang pagkain, at wala pa gaanong dumadaan na sasakyan.
Ibinaba namin ang kargadong mga relief goods at tubig, madaling araw na yata noon. Medyo nararamdaman ko na ang pagod. Nag-marshall ang mga babae habang kaming mga lalaki, sa tulong din ng mga taga-doon, ang nagbuhat ng mga sako at tubig. Nakuhan ako ng video, at kinabukasan nakita daw ako ni Chiny sa umagang balita. Matapos idiskarga ang kalahati ng laman ng mga truck, nalaman naming kailangang ibaba ang lahat. Sobrang pagod na ko noon at ramdam ko na ang gutom. Nagpahinga muna ako sa likod ng mga marshall.
United we stand, divided we fall
Matapos maubos ang mga sako at kalahati ng tubig sa mga truck, kinailangan pang may bumalik sa Munisipyo para kumuha ng bagong stock para dalhin sa kabilang kalapit-barangay. Nahati ang grupo, may mga naiwan sa Kabisig para magbaba ng mga tubig na dadalhin doon, at may pumunta sa Munisipyo para magkarga muli ng mga relief goods. Naiwan ako kasama nina Kia, Chiny, Jamie (sakay ng pick-up truck ng mga official) at ng mga Brothers (na sakay ng Coca-Cola truck). Habang ang iba, kasama si JR, si Jake at si Ate, ay bumalik sa Munisipyo.
Pagdating namin sa kalapit-barangay, nagsiupuan kami sa isang tabi. Madaling araw na noon, bandang 1AM siguro. Nagkwentuhan nalang muna kami nina Kia at Chiny. Sa sobrang pagod, hindi ko na kinayang magbaba ng mga tubig. Pero nang makita ko sila Brother na tuloy-tuloy pa ring tumutulong magbaba ng mga tubig, kasama ng mga taga-doon, ay nakitulong na rin ako. Dumating nga pala si Teodoro ng NDCC, nakikidalamhati sa nangyari. Pero ang dating sakin, para na rin siyang nangangampanya.
Sa kabilang dako, sa munisipyo, hindi ko na alam ang kwento. Pero pagkalipas ng isang oras (yata), dumating ang truck ng huling relief goods. Si JR nalang at si Ate ang natira, habang ang iba sa grupong bumalik sa munisipyo ay nauna nang umuwi. Mas mabilis naidiskarga ang mga laman ng truck dito sa barangay na to dahil mas maraming taga-doon ang tumulong at mas malapit ang storeroom.
Sa wakas!
Pauwi na kami. Ang mga Brothers, sa Coca-Cola truck sila sumabay pauwi dahil pa-Laguna daw ito. Habang kami nina Chiny, Kia, Jamie, JR, at Ate sa Agility truck, pabalik sa ABS-CBN. Nagkwentuhan, nagtawanan, nagkasiyahan. Sa wakas, natapos din!
Tiendesitas?
Subalit nagtaka kami kung bakit parang mabilis ang biyahe. Ni hindi man lang kami dumaan sa Sta. Lucia. At maya-maya ay Tiendesitas na. Nagsimula na kaming magtaka, pero baka ibang daan lang, nasa isip namin. Mabilis ang mga pangyayari, nadaanan din namin ang Market Market, maya-maya lang ay nasa Taguig na kami. Kinakalabog na namin ang truck (isang delivery truck, sa likod kami nakasakay). At sa pagkakataong tumigil ang truck, bumaba si JR at kinausap ang driver.
Nadiskubre niya na andoon pala si “Jake”, tulog, nagpapalamig at nakikinig ng music. Sinabi daw ni Jake sa driver na convoy kami sa Coca-Cola truck (na kung saan ay patungong Laguna). Hindi naman talaga iyon ang napag-usapan kaya sinabi namin kay JR na doon nalang siya umupo sa harap para ituro kay kuya driver kung saan talaga dadaan. Nag U-Turn kami at tumungo na, sa wakas, talaga pabalik sa ABS-CBN.
Kung saan-saan pa kami nagpalusot-lusot bago tuluyang nakabalik sa ABS-CBN, pero OK lang dahil at least nakabalik na kami talaga.
Paano nga kaya kung nakatulog kaming lahat at di namalayang mali ang daanan? Welcome to Laguna! siguro ang sasalubong sa amin. Isa nanamang bagong adventure kung sakali.
Bago kami tuluyang naghiwa-hiwalay ay nagkape muna. Sumunod kami ni JR kina Kia, Chiny at Jamie sa Starbucks. Nagmakaawa pa si Chiny para lang makapasok dahil closed na, success! Kaunting kwentuhan bago tuluyang naghiwa-hiwalay. Pinauna naming makasakay si Jamie sa taxi, at nagsabay-sabay kaming umuwi nina Kia at Chiny. Habang si JR ay bumalik sa warehouse at kinuha ang mga gamit, bago umuwi.
Cast of characters ng isang adventure na di ko malilimutan:
Richie Pagdalian – crew sa isang cruise ship; nakatira sa Cebu pero nagboboard sa Quiapo; nagpunta sa Sagip Kapamilya dahil nasasayangan sa oras sa boarding house; naging guro ng Mathematics sa 6 na taon sa mga International School sa Cebu pero hindi nagustuhan ang pagtuturo

Chiny Ramos – isang madasaling road manager ng iilang mga artista sa ABS-CBN; nag-aral sa UST, sabi niya may kamukha daw akong kakilala niya, medyo namumukhaan ko rin siya pero hindi ako yung sabi niyang kamukha ko; hindi mo aakalain ang age niya sa itsura niya, mukhang college; taga-Sikatuna, kabarangay ko pala; kaysa nagfa-Facebook buong araw at nababasa ang mga tungkol sa naidulot ni Ondoy, ninais na lang niyang tumulong; gusto niya ang Homily ni Fr. Vincent

Jamie Ortega – isang writer, gusto niya ang t-shirt kong “FEELING Writer”; taga-Mandaluyong; kaibigan ni Chiny

Kia Alvarez – isang masunuring UP Madrigal songbird, maganda ang boses at talentado: passioned musician; 4th year film student; nakasuot ng lungs na t-shirt; nawalan ng 5 kamag-anak dahil kay Ondoy, kaya ninais makatulong; taga-Sikatuna, kabarangay ko rin pala; kaibigan ni Jamie; inis na inis kay Jojo

Emmanuel Jr. David – taga-Novaliches; iilang araw nang nasa Sagip Kapamilya; believe it or not, estudiyante sa Miriam College

Si Ate – di na namin nakuha ang pangalan, malihim kasi; taga-Sikatuna, isa pang kabarangay; napisa ang saging sa bulsa ng pantalon

Mga Seminarista – nagmula pa sa Cavite para lang tumulong talaga sa mga nasalanta ni Ondoy; noong una di ko alam na mga seminarista pala; galing ata sila sa St. Vincent Seminary(?), hindi ko sigurado, pero hindi ko sila malilimutan

“Jake Cuenca” – ang may kasalanan kung bakit kami nalate umuwi, dalin daw ba kami sa Taguig; makulit; hindi namin alam ang tunay na pangalan pero di rin siya malilimutan dahil hindi buo ang istorya kung wala siya

ATBP mga volunteer – hindi ko na lahat nakuha ang mga pangalan ng mga nagvolunteer at sumama sa Cainta, pero in some way, tumatak sa puso’t isipan ko ang pinagdaanan naming lahat at ang mga tulong na naibigay namin kahit papaano
I went there alone and came back many more times than myself. Made new friends and became part of building new hopes.
Kahit na sobrang iba-iba ang mga nakasalamuha ko sa adventure na ito, isa lang ang nasa isip ko: na pare-parehas kami ng purpose, ang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong si Ondoy. Madaming nasagasaan si Ondoy, at somehow, masaya ako dahil alam kong, at least, napaligaya ko kahit kaunti lang ang mga taong minsang sinagasaan ng hindi inaasahang bagyo (literally and metaphorically) ng buhay. Masaya ako in some way, na naging part ako ng relief operation na ito at nakilala ko ang mga taong kasapi ng pelikulang ito.
I didn’t feel sorry that I had to take one and a half day at work and miss out things I need to do; I would’ve felt even sorrier if I hadn’t done this. It was a very worthwhile experience. In fact, if I had the chance to do it again, I would.
Share

Leave a Comment